Login via

Caught Between Goodbye And I Love You novel Chapter 6

UNTI-UNTI ay naramdaman ni Throne ang pagkalma ng nanggagalaiti niyang puso nang mga sandaling iyon. Napamulat siya nang maramdaman ang mga braso ni Christmas na pumaikot sa kanyang batok. Her eyes were still closed but he could feel her silent surrender.

He gave it all in the kiss-his disappointments, his bitterness, his pain, and his... fear. And Christmas responded as if she understood them all. Saglit niyang naipikit nang mariin ang kanyang mga mata bago dahan-dahang pinakawalan ang dalaga.

Lihim siyang napamura nang mapansin ang bahagyang pamamaga ng mga labi ni Christmas. Maingat na hinaplos niya ang mga iyon. "I'm sorry."

Masuyo itong ngumiti, ang ngiting hindi maintindihan ni Throne kung bakit ipinagdadamot niyang makita ng iba. Wala na siyang narinig na anumang tanong mula sa dalaga na siyang ipinagpapasalamat niya. Dahil hindi niya rin alam kung paano magpapaliwanag kung sakali.

Habang nakatitig si Throne sa kulay-tsokolateng mga mata ng dalaga ay naramdaman niya ang tuluyang pagbalik sa normal ng kanyang paghinga. Ang mga mata ni Christmas ay para bang nangangako ng isang bahaghari pagkatapos ng mahabang pag-ulan.

"It's okay, Throne," she said in the sweetest voice he had ever heard. "It's okay."

Mas maingat na sa pagkakataong iyon na hinapit niya sa baywang si Christmas. Idinikit niya ang kanyang noo sa noo nito at saka muling pumikit.

God... this feels great.

NAIKUYOM ni Jethro ang mga kamay habang nakatitig sa tulalang anyo ni Cassandra. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ng dalaga at iniharap ang mukha nito sa kanya. Sandali niyang nakita ang pagdaan ng recognition sa mga mata nito pero mayamaya lang ay blangko nang muli ang mga iyon.

"Damn it, Cass. Why are you fighting it?"

Sunod-sunod ang naging malalalim na paghinga ni Jethro, umaasang sa pamamagitan niyon ay mapapawi kahit paano ang sakit na nararamdaman. Hinaplos niya ang mga pisngi ni Cassandra. "Sana... sana nakinig ka sa 'kin noon. Alam mo kung gaano kita kamahal and I was willing to accept you, Cass, but your heart..." He laughed bitterly. "But your heart's just too damned stubborn."

Matagal nang alam ni Jethro ang sitwasyon ni Cassandra dahil siya ang huling tinawagan nito bago nangyari iyon sa dalaga. Wala na siyang sapat na lakas ng loob para makita ito kaya siya umalis at nagpunta sa Spain. Pagbalik naman niya sa Pilipinas ay nilunod ni Jethro ang kanyang sarili sa trabaho, umaasang sa paraang iyon ay makakalimot na siya, na hindi totoong nangyari ang lahat ng iyon kay Cassandra. But the more he made himself believe that he was no longer in love with Cassandra, the more he found his heart yearning for her.

"Bumalik ka na sa dati, Cass, and deal with this. 'Wag mong takasan ang realidad para lang makatakas sa sakit na nararamdaman mo. Come back and stop being like this. Stop torturing me." Halos pakiusap na ni Jethro. "You've been hurting me for quite a long time now. Mapagod ka naman."

Nang hindi na makontrol ang sarili ay tumalikod na si Jethro at tuloy-tuloy nang lumabas ng ospital. Papasok na sana siya sa kanyang kotse nang makita si Chad. Biglang nagdilim ang kanyang paningin. Bago pa niya mamalayan ay nasa harap na siya ng lalaki. Agad namang namutla si Chad nang makilala siya.

"Damn you! Nakuha mo pa talagang magpakita rito?" Hindi nakapagpigil na binigyan ni Jethro ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha si Chad. "The first one is for Cassandra and the second is for the baby!" Nang makuha pang makatayo ng lalaki ay ubod-lakas na sinipa niya ito sa dibdib. "And the last is for me!" humihingal sa galit na sinabi niya.

"P-patawarin mo 'ko, Jethro," nakayukong sagot ni Chad nang marahil ay makabawi na.

Mariing ikinuyom ni Jethro ang mga kamay para pigilan ang sariling saktan uli si Chad. "Get the hell out of my sight, Galvez. Bago ko pa makalimutang may tatlong buhay na umaasa sa 'yo." Hindi siya nagdalawang-salita. Kahit hirap ay sinikap ni Chad na tumayo.

Chapter 6 1

Chapter 6 2

Chapter 6 3

Comments

The readers' comments on the novel: Caught Between Goodbye And I Love You