Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 11

Kabanata 10:

Ring

_______

Ethan

" Kuya, kamusta naman kayo ni Clarity your future wife? "

" We're fine. "

Well, meet Kley Strorch. My stupid brother. He's the opposite of me. Tss.

" You know kuya, tagalog ang lenggwahe natin pero bakit kapag kausap mo si Clarity ay English ang ginagamit mo? "

" Because, it's just... Argh! You don't care. "

Yeah. English is not our forte. Claskiwey. That's our language. Si Mister EKS or AK ay iisa. At ako yon kaya alam ko kung sino.

" Kley, answer my question. What if Clarity... "

" Paano kapag sinabihan ka ni Clarity ng 'I don't love you' o yung mga salitang masakit sa damdamin? Simple lang naman yan Kuya, naalala mo ba yung sinabi sa atin ni Ama? Mawawalan ka ng memorya kapag sinaktan ka ng Alpha's Bride. Yung masakit talaga. At kung sino ang huling taong makakasama mo nong araw na yon ang taong makakasama mo habang-buhay. "

Tumango lang ako sa mga sinasabi ni Kley. Alam ko namang si Sarfie ang makakasama ko kapag sinaktan ako ni Clarity.

" Kaya kung ako sayo Kuya, maghanap ka na ng taong mamahalin ka talaga hindi yung taong gagamitin ka lang. "

" Yeah. I know. Hindi magagawa sa akin ni Clarity 'yon. "

Tinungga ko ang tequila na nasa harap ko at tinitigan si Kley. Paano nga kaya kapag sinaktan ako ni Clarity? Hindi ako ang masasaktan, dahil kapag pinagsisihan niya ang bagay na 'yon, hindi na ako makakabalik pa sa kanya.

" Hmm. Call. "

*

______

Clarity

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng apartment ko. Wala pa rin si Kier. Sabi niya kase, susunduin niya ako dahil may pupuntahan raw kami. I have no idea.

" Come on. "

Napalingon ako sa kotseng pumarada sa harapan ko. Bumaba ang windshield non at nakita ko si Sir Ethan na diretsong nakatingin sa daanan.

Nilingon niya ako at tinanggal ang suot niyang sunglasses. Literal na napanganga ako nang makita ko siya. Pakshet! Ang gwapo niya talaga! ♥_♥

" Get in. "

Dali-dali akong pumasok sa kotse niya nang sabihin niya yon. Nakakatakot. Baka kapag hindi ko siya sinunod ay ipalapa niya ako sa tigre. Wag naman sana.

" Ahm... Sir---- Kier, saan po tayo pupunta? "

" Somewhere. "

Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Somewhere?! Somewhere down the road?! Grrr! Okay lang yan Clarity, gwapo naman ang kasama mo. Hahaha. Akala nong Sarfie na yon maaangatan niya ako, hmp! Ako ngayon ang kasama ni Kier.

Habang nagmamaneho siya ay nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. In fact, mas gwapo pa talaga siya sa gwapo. Hindi ko maipaliwanag eh. Plus na maputi pa siya. Ano pang hahanapin diba?

" We're here. "

Bumaba na siya sa sasakyan kaya napa-ismid ako. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto! Hindi gentleman. Buti pa si Sir Migz eh. Hmppp.

Clawkisease Jewelry Shop

Tinignan ko ang jewelry shop na nasa harap ko ngayon. Ano namang gagawin namin dito?! Magnanakaw?! At ako pa talaga yung napili niya?! Martilyo Gang?!

" Come on. "

Pumasok na siya sa loob ng shop kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko. A-ano nga ba talaga ang ginagawa namin dito? Baka nga magnanakaw kami!!

Nang pumasok ako sa loob ay lahat ng tao ay  naka-bow kay Kier. Hala?! Baka tinakot niya yung mga tao kaya ganun?! Ang sama naman niyang tao kapag nagkataon!

" What can we do for you, our Alpha? "

Taka kong tinignan yung babaeng nagsalita. Bakit niya tinawag na Alpha si Kier? S-siya ba yung---- wait! Nevermind nalang. Sasakit lang ang ulo ko.

" Ring. "

Lumapit siya sa isang stall ng mga singsing at parang sinisipat niya ang mga nakalagay doon. Tinabihan ko siya at tumingin rin ng mga singsing.

Napalingon ako sa isang singsing na halos kaparehas ng bigay sa akin ni mister EKS. Kaso nga lang  buttefly shape naman 'tong isang 'to.

" You want that? "

Lumingon ako kay Kier at umiling. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa singsing, " Masyadong mahal yan. "

" Nah. Hey, size for her. "

Agad tumango yung babae kay Kier at lumapit sa akin yung babae at tinignan ang kamay ko. Nakakahiya! Tingin ko kase sa singsing na yon ay masyadong mahal. Sino ba naman ako para bilhan niya ng ganong bagay? Hindi naman mahalaga ang materyal na bagay.

Kumuha yung babae sa loob ng kwarto at pagbalik niya ay may dala na siyang singsing na kaparehas ng kaninang tinititigan ko. Nang ipasok ko sa daliri ko ang singsing ay namangha ako. Saktong-sakto ang laki. Ang gandang tignan.

Itinaas ko pa yon sa ere at nakangiting pinagmasdan. Kung hindi lang 'to mahal, bibilin--

" Kasya ba sayo? Gusto mo ba niyan? "

" N-na...nagtagalog k-ka? "

" Tss. "

Tumalikod siya sa akin at ako naman ay nakatingin lang sa likuran niya. Totoo nga yung kanina! Nagtatagalog na siya! Kakaiba!

Lumapit siya doon sa babaeng nag-assist sa akin kanina at may ibinulong siya doon. Tumango lang yung babae at ngumiti sa akin. Hinila niya na ako paalis ng shop.

" T-teka lang... nabayaran mo na ba 'to? "

" Yeah. "

Sumandal siya sa kotse niya at ngayon ko lang napagmasdan ang suot niya. Naka-khaki short at isang plain white T-shirt lang siya at tsinelas na mukhang mamahalin. Ang gwapo pa rin niyang tignan kahit sa simpleng damit niya lang.

" Aanhin ko ba 'tong singsing--- "

" That's our engagement ring. I have one too. "

Literal na napanganga ako ng itaas niya ang kamay niya at nakita ko ang kaparehas na singsing na suot ko. Owemji! Fiance ko na talaga siya!

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride