Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 29

Kabanata 28:

Hades

________________

Leewier

"Where's C?"

"I don't know either."

Nilibot ko ang paningin ko dito sa Bluei Frixsd. Dito namin isasagawa ang pagtuturo kay ate Clarity ng mga kailangan niyang malaman. But still, wala pa rin dito ang tuturuan namin.

"Where's Clarity?"

"Pinasundo ko na kay Mitch."

Tumango lang ako sa sinabi ni Kuya Kaleb. Si Mitch ay isa mga Brejik. Siya ang pinagkakatiwalaan ng matataas na pinuno dito sa Blisk Dynasty. And Kuya Kaleb is one of the example.

"Hey..."

Napalingon ako ng may magsalita sa bandang likuran ko. Nakita ko si Mitch kasama si ate Clarity, she gently bowed her head. Tumango lang kami sa kanya.

"You may go."

Yumuko ulit siya sa amin at tinalikuran kami. May napapansin akong kakaiba kay Mitch, parang balisa siya kanina habang nakatingin siya sa mga mata ni Kuya Kaleb.

"Princess..."

Ngumiti si Kuya Kaleb kay ate Clarity at iginiya niya ito papunta sa mataas na bato. Inutusan niyang umupo doon si ate Clarity at ginawa naman niya iyon. Where's C?!

"Close your eyes, Clarity, no matter what happen don't open your eyes."

Tumango lang si ate Clarity bago sinara ang kaniyang mga mata. Nilingon ko si Kuya Kaleb at kinunutan ko siya ng noo. What is he doing?

"Stratk is here. We must protect her."

"What?!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Paanong makakapunta dito ang mga Stratk?! Tago ang lugar na ito at tanging mga Brejik lamang ang pwedeng pumunta dito. How come?

"Tss. C is still not here. I will punish her when she comes but for now, lets find that fucking Stratk!"

"How about ate Clarity?"

Lumingon si Kuya Kaleb sa kaniyang kapatid then he sighed. Binalingan niya naman ako ng tingin at may hinagis siyang isang bagay sa akin at muntik ko na itong hindi masalo, "Careless."

Bubungangaan ko na sana siya pero hindi ko na siya nakita. Argh! "Bastard!"

Tinitigan ko ang hinagis niya sa akin at isa iyong maliit na pearl kaya nag-init ang ulo ko. Paano napunta sa kanya ang hikaw ko?! Damn it!

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride