Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 8

Kabanata 7:

Ethan Kier Strorch

________

Clarity

" What are you looking at, dumpy head?! "

Napaayos ako nang tayo dahil sa sinabi niya. Okay na sana eh, tinawag lang akong dumpy head! Isusumbong ko siya kay Tiya Miling!

Pero hindi ko naman hahayaang mawala ang poise ko kaya inayos ko ang damit ko at nagpoker-face. Relax Clarity. Okay lang yan. Gwapo naman ang boss mo.

" Good afternoon sir...? So, I am your new secretary. I am Clarity Fuentabella, nice to meet you sir...? I will do my job properly so nothing to worry about. "

Bahagya akong yumuko para magbigay galang. Nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin. Parang hinihigop niya ang mga mata ko. Nakakaadik.

" Ehem. I'm Ethan Kier Strorch. So, Sheena already hired you huh?! "

Napakunot ang noo ko ng ngumisi siya sa akin. So, Sheena pala ang pangalan ng babaeng kausap ko kanina. Pero ano naman ang problema niya kung hinire na ako ni Sheena?

" Y-yes Sir. "

" Okay. Follow me. I'll show to you your own office. "

Naglakad na siya kaya sinundan ko siya. Likod palang halata mo nang gwapo eh. Jeez! May abs kaya siya? Ano bang pinagsasasabi mo Clarity?! Nagiging horny ako pakshet. Epal kase 'tong boss ko.

Nakalagay ang kamay niya sa bulsa niya at ang lakas ng dating niya don. Ang cool tignan. Astig.

Binuksan niya ang isang pintuan at ganun nalang ang paglaki ng mata ko sa aking nasaksihan. Seriously?! Ito ang kwarto ko?! Ang ganda! Kulay silver rin at may halong kulay puti ang pader. Magkano kaya ang pagpagawa dito?

" Miss Fuentabella, your salary is fifty thousand a month. Do your job properly or else... I will fire you immediately. Sakre troti kiya buela? "

Tumango lang ako ng tumango sa bawat sinasabi ng boss ko. Hindi ako maka-get over! 50,000? Waaahhh! Ang laking pera non! Makakaipon na rin ako para sa pang-college ni Blake!

Kahit elementary palang si Blake.

Kahit na! Mag-iipon pa rin ako para pang-college niya! Mag-iipon ako kung kailang ga-graduate na siya ng highschool? Kukulangin ako sa oras pag nagkataon.

Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa swivel chair. Ang lamig dito. Aircon malamang. Ang tanga ko talaga. Napalingon ako sa malaking salamin sa harapan ko. Kulay pula pa rin talaga ang buhok ko.

Sino ba ang nagbago nito?! Isa siyang dakilang pakialamera

akialamero!

Sakre troti kiya buela? Anong ibig sabihin non?

____________

" S-sir, coffee? "

Tinitigan lang ako ni sir Ethan at tumango. Nilapag ko ang kape sa table niya at umalis na rin kaagad. Hindi man lang nagsalita! Magsasalita lang siya pagkakausapin niya ako o kaya may itatanong.

Hindi rin nagpapaalam kapag aalis na siya! Kainis! Pero bakit ba ako naiinis?! Wala naman akong karapatan?! Ang landi mo talaga Clarity!

Napalingon ako sa cellphone ko ng mag-vibrate. Nag-text si Celine!

From: CELINEPANGET

Hanla bes! Namiss kita :* Haha. Alam mo si Sir Migz, parang baliw. Pinaalis ka na niya tapos hahanapin ka rin naman. Baliw nga talaga.

Natawa ako sa text ni Celine. Haha. Tama nga naman siya, pinaalis ako ni Miguel tapos hahanapin niya ako? Baliw nga.

Hindi ko nalang nireplyan ai Celine at nagtungo na ako sa opisina ko. Hmm. Isa lang pala ang appointment ni Sir ngayon. Kay miss Sarfie Drutch lang pala. Sarfie?

Naglakad na ako papunta sa opisina ni Sir para sabihing may appointment siya ng may marinig akong boses.

" Sarfie, yeah yeah. I'm fine no need to worry... Appointment with me? I'll check... Hang out? For what?... Don't eat? Why?... Okay fine I love you. "

Napahawak ako sa hawak kong notebook dahil sa mga narinig ko. So, ang kausap niya pala ang Sarfie na may appointment ngayon? Sila ba? Bakit may I love you?! Grrrr!

Imbis na buksan ko ang pintuan ng opisina niya ay nagtungo nalang ulit ako sa opisina ko. Binabadtrip niya ako! Ang harot ko talaga! Hindi naman kami para mag-react ako ng ganito.

_______

" Blake, kumain ka na ba? "

" I'm full. "

Napalingon ako kay Blake dahil sa tinuran niya. Full? Kakauwi ko palang at wala akong nadatnang pagkain tapos sasabihin niya busog siya?! Lokohan! Bahala na nga siya.

Kumain nalang ako ng taimtim sa kusina habang nanonood ng TV. Saktong tungkol sa mga wolf ang pinapakita. Tss. Hindi naman totoo yan! Bakit marami bang naniniwala diyan?!

Pinatay ko nalang ang TV at kumain na ulit. Tinignan ko ang singsing na suot ko na ibinigay ni Mr. EKS. Ang ganda niya. Kahit simple nakikita mo ang pagkinang ng diamond. Wala na ring EKS na mga letra sa braso ko. Ibig bang sabihin non pinapasaya ko siya?

Iniling ko ang ulo ko sa sinabi ko. Pinapasaya? Tss. Bakit ayaw ba niyang magpakita sa akin? Anong kinakatakot niya? Na panget siya? Mataba? Maitim? Wala naman kase yon sa pisikal na anyo.

Tinitigan ko naman ang anklet na suot ko sa paanan. Bakit hindi na kaya dumadalaw si Tita dito sa bahay? Yun ba ang dahilan nang pagiging tahimik ni Blake? Kay Kuya Kaleb naman, buhay pa ba siya? Kung buhay pa siya bakit siya nasa school ni Blake? Anong ginagawa niyo don? Dinadalaw niya ba si Blake? Bakit ayaw niyang magpakita sa akin? Bakit may Blake sa buhay ko? Sino si EKS or let's say AK?

Marami akong katanungan sa isip ko pero wala akong makitang sagot. Ano ba talaga? Bakit wala akong mabuo?

Napalingon ako sa papel na bumagsak sa lamesa. Bakit may ganito dito? Kinuha ko nalang ang papel at napaiyak ako sa aking nakita.

To: Clary Princess

Don't mind me. I'm okay Princess. Me and Blake are what? Just think and think. He looks like me. Sumagi ba minsan sa isip mo na si Blake at ako ay iisa? Pag-isipan mo Clary. Pansinin mo ang pangalan naming dalawa. Goodbye! See you soon.

- Kuya Kaleb

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride