Login via

Respectfully Yours novel Chapter 55

Anikka

"Hay salamat!" Sigaw ko sa kitchen namin, halos pinagtinginan na ako ng mga katulong, siguro sa lakas ng aking boses.

"Cookies?" Alok ko sa kanila, tumango naman sila kaya nilagyan ko sila sa platito.

Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko. Kanina pang madaling araw ako gumagawa ng cookies, pero ngayon ko lang naperfect ang tamang lasa. Kaya achievement ito para sa akin.

Ngayon lang kaya ako nagbake, bigla ko lang kasi naisipan kaya wala akong masyadong alam sa pagbake. Saka gusto ko rin naman gawan si Lukas ng cookies, para energizer niya sa trabaho niya saka ni minsan ay hindi ko pa siya naipagluluto. Ayokong magpatulong kila manang, dahil gusto ko ako lang ang gagawa nun para sa kanya, para sariling hirap ko talaga.

Sinamahan ko ng pagmamahal kaya sigurado ako na magugustuhan niya ito.

Nilagay ko na sa box yung mga cookies at tinalian ito ng ribbon saka nilagyan ng note sa ibabaw.

Dali dali akong nagpunta sa unit ni Lukas, hindi ko na kailangan pa na kumatok dahil may duplicate key naman ako.

Naku exited na akong sabihin niya na masarap ang gawa ko. Haha!

Pagpasok sa loob ay nilibot ko ang paningin sa living at kitchen niya. Hmm mukhang tulog pa yata ang hinayupak na yun. Pero dapat ay umaaligid na dito iyon.

Nilagay ko muna yung cookies sa counter na kitchen niya bago pumasok sa kwarto niya. Siguro ay susurpresahin ko na pinagbake ko siya. Matutuwa siya sa akin sigurado, exited na ako sa magiging reaksyon niya.

Dali dali kong binuksan yung pintuan ng kwarto niya.

What the?

Nanlaki ang aking mga mata sa larawang nakatambad sa akin. Tila gusto ko muling isara ang pintuan. Pero tila ba nanigas ako sa kinatatayuan ko, tila naparalisa ang katawan ko at hindi ko na maikilos

This cant be no! This is not real, nananaginip lang ako.

Kinurap kurap ko ang aking mga mata pero hindi pa rin nawawala ang larawan na iyon sa paningin ko.

Tila namuo ang galit sa loob ko. Ano ito? Niloloko lang niya ba ako.

Ano itong nakikita ko!

Lukas is naked, with the other woman, no other than my bestfriend

Sabi niya sa akin ako lang, bakit kasama niya si Eris. Akala ko ba walang namamagitan sa kanila? Ano ito bakit ganito ang itsura nila.

Pinagloloko nila ako. Pinagmukha nila akong tanga. Napakasama nila. Mamumuhi ako.

"Hayop kayo!" Binalibag ko yung vase sa kanila. Mga traydor sila, paano nila nagawa sa akin ito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, pinagkatiwalaan ko sila!

Ano itong nangyayari? Ang nakikita ko. Paano nila nagawa sa akin ito! Mga walanghiya sila! Napakakakati.

Naalimpungatan si Lukas at tila nagulat sa mga nangyari, parang hindi niya alam ang lahat.

Bago siya makatayo ay umalis na ako. Hindi ko na kakayanin kung anuman ang sabihin niya at hindi ko rin kaya na magtagal at makita sila hubo't hubad sa piningin ko. Ang sakit... Ang sakit sakit. Para akong pinapatay ngayon sa sakit.

"Let me explain." Aniya at nahawakan niya ang braso ko, agad naman akong pumiglas.

"Explain?! Anong ipapaliwanag mo sa akin ha? Kitang kita ko ang lahat o! malinaw sa akin ang nakita ko Lukas." Meron pa siyang lakas na loob na humarap sa akin. Para ano? Depensahan ang ginawa niya? Hindi na kailangan, sapat na ang mga nakita ko, wala ng dapat eksplanasyon doon.

"Please Anikka." Pakiusap niya. Nakatitig siya sa akin, ang mga matang punong-puno ng sinseridad.

No! Hindi ako palilinlang sa mga matang iyan. Magdusa siya sa ginawa niya sa akin. Tinapangan ko ang aking mukha.

"No Lukas! Sapat na ang nakita ko. Pinagloloko mo lang ako."

"Baby" Humarap ako sa kanya at hindi ko na mapagilan na masampal siya. Ang kapal kapal niyang tawagin akong ganoon, wala siyang karapatan. Hindi niya ako tunay na mahal.

"Hindi mo na ako makukuha sa pa-baby mong niyang! Manloloko ka!"

Sigaw ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko, ang sama sama na ng loob ko sa manloloko na iyan na pinagmukha akong tanga at pinaniwala na mahal ako.

"Anikka, hindi ko alam na may nangyari----" Hindi ko na siya pinatapos, ayoko ng marinig ang anumang kasinungalingan niya.

"Lumang dialogue na yan Lukas, wala na bang bago ha." Bulyaw ko sa kanya.

"Anikka, just listen, trust me." Aniya, nakatitig lang siya sa akin, ni minsan ay hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Sa mga mata niya ay nakikiusap siya. Para saan? Para magpaloko pa sa kanya? Hindi ko na dadagdagan ang katangahan ko sa kanya.

"Sabi mo walang namamagitan sa inyo ni Eris, nagtiwala ako sayo Lukas. Sa nakita ko ngayon Lukas, dapat ba kitang paniwalaan." Hindi na kita kaya pang pagkatiwalaan Lukas. You put me on this, magdusa ka! Magtiis ka, ginusto mo na gawin ito sa akin.

"Anikka." Lumapit siya sa akin at hinawakan sa kamay pero tinapik ko iyon. Ayokong magpahawak sa kanya, nakakadiri siya.

"Lumayo ka sa kin. Layo! Nandidiri ako sayo Lukas. Nakakadiri ka! Nakakadiri kayo!

Dali dali na akong umalis, gusto ko ng lumayo. Hindi ko kaya na makita pa siya.Naiinis, namumuhi ako sa ginawa niya. Kasi sinaktan niya ako ng ganito, minahal ko siya ng buo pero anong ginawa niya? Niloko lang niya ako, pinaasa lang niya ako.

Dinurog niya ang puso ko. Winasak niya. Putya! Ang sakit sakit na ginawa mo!

Napakatanga mo talaga kasi Anikka, nagpakatanga ka sa tulad niya. Naniwala kang nagbago siya, pero hindi! Isa lang ako sa mga babaeng pinaikot niya.

Napakasama mo! Manloloko ka Lukas! Tandaan mo itong ginawa mo sa akin.

Lukas

Sumalubong sa akin ang nakangisi na si Eris. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nakuha pa niyang ngumisi sa harapan ko. Ang kapal ng pagmumukha niya. Dapat ay umalis na siya ngayon sa harapan ko. Hindi man lang siya nahihiya para sa sarili niya.

Nangyari ang kinakatakutan ko, ang lumayo siAnikka sa akin.

"Shall we make love again?" Agad ko siyang hinagit. Naiinis ako, hindi ko alam kung dapat ko.pa siyang respetuhin. Siya ang may gawa ng lahat ng ito. Dahil sa kanya nangyari ang kinatatakutan ko, ang lumayo si Anikka sa akin, ang saktan pa siya.

Hindi ko ugali na pumatol sa babae, pero sa ginawa niya sa akin, baka hindi na ako makapagpigil.

"Walang nangyari sa atin Eris, wala!" Madiin ko sabi, gusto kong ipamukha sa kanya na wala ng pwede pang mamagitan sa akin. I am only for Anikka, pero ngayon ano? Wala na siya sa akin?

"Oh, you forgot my love." Aniya at hinaplos ang aking mukha, agad ko naman na hinawi iyon. Nakakadiri siyang babae.Isa siyang baliw para gawin sa akin ito.

"We're fuck---"

"Please stop." Agad kong sabi, ayokong maring ang anuman na sasabihin niya. Hindi totoo ang lahat ng iyon. Walang nangyari. Wala!

Nakakapagtaka lang kung bakit ako nagising na nakahubad sa tabi ni Eris. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawa sa kanya.

"You can't get enough of me Lukas." No hindi totoo ang sinasabi niya.

Hinarap ko siya saka ko siya hinagit at inilabas sa pintuan.

"Lumayo ka sa aking babae ka!" Tulak ko sa kanya. Ayokong pakinggan ang anumang sabihin niya. Ayoko siyang makita pa. Baka hindi ako makapagpigil ano pang magawa ko sa kanya.

Ano bang nagawa ko sa kanya. Malinawa naman na wala na kami. Ano pang gusto niya? Ako?

Hindi ko kaya. Hindi pwede dahil kay Anikka lang ako kahit ano pang mangyari.

Dumeretso sa sa kitchen at kumuha ng isang boteng Johnnie Walker. Gusto ko muna kumalma kahit sandali, gusto ko muna kalimutan ang nangyari.Para kahit papano ay hindi ko masyadong maramdaman ang sakit.

Ganito siguro ang pakiramdam ni Ken. Yung sakit, tagos sa puso, para akong pinapatay.

My life is already gone, dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.Hindi ko alam kung paano ko siya maibabalik sa akin.

Agad kumuha ng atensyon ko yung box na nasa counter. Agad kong nilapitan iyon at pinagmasdan.

Mariin akong napapikit sa nakita.

Hey eat this. I hope you like it. Pinaghirapan ko yan :)

Always loving you, Your baby

Anikka.

Binuksan ko yung box, tumambad sa akin yung mga cookies, hindi ko alam kung gagalawin ko iyon o hindi.

Parang may kumirot sa akin, halatang nag-effort siya na gawan ako ng cookies, tapos ganito pa ang mangyayari.

Wala akong ginawa kundi tignan lang iyon habang iniinom ko yung natitira ko pang shot ng Johnnie walker.

Sabi nila kaya sila umiinom para makalimot, pero naka isang bote na ako pero ni hindi pa rin nawawala ang sakit, mas lumala pa ang mararamdaman ko.Mas nararmdaman ko itong Parang may sariwang sariwa pa rin lahat sa sa isipan ko. Yung mga masasaya naming pinagsamahan, lahat! Pero nawala na ang lahat ng iyon sa isang iglap.

Naging pabaya ako kaya nangyari ito.

Fuck it! Just fuck it.

Eris

"This is your payment, kumpleto yan." I said while giving the then thousand bill to the bartender.

I just ordered him to put some drug to Lukas' drink, that's why Lukas is now peacefully sleeping on my lap.

I was looking in to his face, his curvy eyelashes, his nose.

then finally his perfect lips. I was tracing it, that soft lips, it always make my world turn around whenever his kissing me.

Muli ay pinasadahan ko yung maganda niyang mukha.

"Buhatin niyo na to." I ordered some of my goons, after that we leave the bar.

I took all his clothes out, exposing his glorious body. That perfectly sculpted chest, abs its getting better before I last saw it. I missed touching them and making them mine.

And now, need to do this. I am desperate of doing this. I am desperate that he will be mine again. Ito lang ang paraan na alam ko para sa akin na siya muli. Mahal na mahal ko siya, hindi ko kaya kung sa iba lang siya mapupunta. Akin lang siya. Handa akong gawin lahat para mapasaakin siya muli.

Ngayon na lumayo na sa kanya si Anikka. Isang bagay lang ang sinisigurado ko.

Akin ka na ngayon Lukas Aragon.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours