Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 13

Kabanata 12:

His Siblings

---

Clarity

Nandito ako ngayon sa loob ng office ko. Hindi ma-process ng utak ko lahat ng sinabi ni Kier. Hays. Pinapagulo niya ang isip ko.

From: CELINEPANGET

Bessy:* Punta ka dito sa bahay. Usap naman tayo, miss na kita eh:(

Napangiti ako dahil sa text ni Celine. Namimiss ko na rin naman 'tong babaeng 'to kaya pupunta nalang ako mamaya.

To: CELINEPANGET

Yah! Pupunta ako. Maybe 4 pm? Loveyoucxz!

Pinatay ko ang cellphone ko nang mag-send na ang message ko sa kanya.

" Hey! "

Lumingon ako sa pintuan ng office ko at nakita ko si Kier na nakangiti habang palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang buhok ko.

" What's up? "

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Parang hini-hypnotize ako ng mga magaganda niyang mata. Hindi ko kayang tignan.

" Look at me, dumpy. "

" Ahm... "

Inangat niya ang mukha ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Nakaka-adik.

" You know my siblings? Pupunta tayo sa bahay namin dahil gusto ka nilang makilala. "

Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Siblings? As in? Iniisip ko palang ngayon, parang hindi ko kayang harapin ang mga kapatid niya.

" T-today? "

" Yah. Why? "

" N-nothing. "

Ininom ko ang kape ko sa lamesa at binalik ko nalang ang atensiyon ko sa computer na nasa harapan ko.

" Pakasal na tayo. "

Bigla kong naibuga ang iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. Ano daw? Bigla-bigla nalang siyang nagsasalita ng walang-pakundangan!

" N-nagmamadali ka?! "

" Yeah. As soon as possible. "

" Bakit? "

" I have to. Para lumakas ako. "

" L-lumakas? "

Natigilan naman siya bigla. Anong lumakas ang sinasabi niya? Sa paningin ko pa nga lang ay kaya niyang magbuhat ng maraming bakal, anong lumakas ang sinasabi niya?

" Nah. Kalimutan mo nalang. "

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Ang weird niya ngayon ah. Kung anu-ano ang sinasabi niya na wala sa hulog. Hindi ko maintindihan.

---

" Come here. "

Humawak ako sa laylayan ng damit niya habang pumapasok kaming dalawa sa bahay nila. No scratch that! Mansyon to! Ang laki-laki nito. Parang wala pa sa bahay ko.

" K-kailangan ba talaga to? "

" Yeah. "

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila at hindi ko mapigilang mamangha. May ganito pa palang Mansyon na nag-eexist.

" Rintrayasan? "

Napalingon kaming dalawa ni Kier sa pinagmulan ng boses. Nakakita ako ng babaeng bumaba ng hagdan na kulay Beige ang buhok. Eh?

" Klarsanklarya? "

Napalingon naman ako kay Kier ng magsalita siya. Ano?! Hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang dalawa. Ano bang language yan?

" Crukslart Shakintri Toiyoshi? "

" Kieyzukli. "

Tumango-tango naman yung babae dahil sa sagot ni Kier. Papalit-palit lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Lumapit naman sa akin yung babae at agad akong tinignan mula ulo hanggang paa. Huh?! Tinitigan ko rin siya. Her beautiful hazel eyes, pointed nose, rosy cheeks and pinky lips. What's with this girl?

" HIIIII!! CLARITY, RIGHT? "

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Whooo! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hmmm. Baka minsan nai-kwento na rin ako sa kanila ni Kier.

" Hehehe. Oo, ako si Clarity. Ikaw? "

Bigla siyang ngumuso ng tanungin ko iyon. Lumingon naman ako kay Kier at nakita ko siyang napapailing nalang.

" Lyri? I'm Honey Leewier. Leewier for short. "

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Siya pala yung sinasabi sa akin ni Kier na kapatid niyang babae. Now I know kung bakit sila magkamukha.

" Hey! "

Lumingon ako sa isang kwarto na kabubukas palang. Iniluwa noon ang lalaking nakakulay itim na jacket. Nang mag-angat ng tingin ang lalaki ay biglang kumunot ang noo niya.

" Anong ginagawa niya dito?! "

" Shut up, Kley! "

Biglang ngumisi yung lalaki at lumapit sa aming tatlo. Hinawakan naman ni Kier ang bewang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya.

" I'm Kley Strorch. His brother. And you are Clarity? "

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Parang nakita ko na itong lalaking 'to somewhere. Hindi ko lang matandaan kung saan kami nagkita.

" Nagkita na ba tayo? "

Naningkit ang mga mata ni Kier dahil sa tanong ko. Lumingon ulit ako sa lalaki at bahagya siyang tumawa, " Oo. Natatandaan mo pa pala ako. "

Pilit kong inaalala kung saan ko nakita itong lalaking nasa harapan ko. Isip lang Clarity. Isip lang...

" Ikaw. Ikaw yung lalaki sa restaurant diba? Ikaw yung naki-upo sa table namin. Natatandaan ko pa ang sinabi mo sa akin, anong Alpha ang sinabi mo sa akin? "

Napalingon ako kay Kier ng bigla siyang umubo. Tumingin naman ako kay Leewier at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. May mali ba sa tanong ko?

" Nah. Huwag mo nalang isip yun, ate Clary. " bumaling naman ng tingin si Leewier kay Kley at pinanlakihan niya ito ng mga mata.

" Ehem. Clarity, she's Leewier my sister and he's Kley my brother. "

Nginitian ako ni Leewier habang si Kley naman ay tinanguan lang ako. Hindi ko maipaliwanag pero hindi ko maintindihan kung ano ang nakasulat sa mga braso nilang tatlo. Hindi ko mawari kung ano ang nakasulat.

" What are you looking at? "

Itinuro ko kay Kier ang braso niya, " Yan, bakit may ganyan kayong tatlo? Ano yan? "

Napalunok si Kier. Ganun rin ang ginawa ni Leewier kaya pinangliitan ko sila ng mata. Ano bang problema?

" Nothing. Just don't--- "

Pinutol ni Kley ang sasabihin ni Kier at siya naman ang nagsalita.

" This is our strength. This is the Clorste tattoo. "

----

Translation

Rintrayasan= Kuya/Brother

Klarsanklarya= Baby

Crukslart Shakintri Toiyoshi= What is she doing here?

Kieyzukli= Visiting.

Lyri= Really?

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride