Login via

Greek 1: The Alpha's Bride novel Chapter 14

Kabanata 13:

Alam ko kung nasaan sila.

---

Ethan

" Just do it or else i'll kill you! "

" Y-yes Alpha. "

I gently massage my temple before drinking my coffee. Fuck! Those fucking Stratk are getting on my nerves! They're irritating me!

" Bro, what's the catch? "

Pumasok si Kley sa opisina ko at kinuha ang kapeng iniinom ko kanina. Tinitigan ko lang siya habang ginagawa niya yon. Wala talagang modo 'to.

" Brothersss!! Nakakuha na ako ng informatiooonnn! "

Bumalabag yung pintuan ng opisina ko at niluwa noon si Leewier na tila pagod na pagod. Saan naman nagpunta ang babaeng 'to?

" Where have you been? And, what information are you talking about? "

Dahan-dahan siyang lumapit sa aming dalawa ni Kley at ininom niya ang kapeng iniinom ko kanina na ininuman rin ni Kley. Mga balasubas!

" Y-yung tungkol sa pamilya ni ate C-clarity. A-alam ko kung nasaan sila. "

Taka kong tinitigan si Leewier. Anong sinasabi niya? Ako ngang kuya niya na mas malakas pa sa kanya ay hindi ko alam kung saan matatagpuan ang mga magulang ni Clary.

" They're not totally dead, Rintrayasan. Nasa puder lang sila ng mga Stratk. "

Agad kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi ni Leewier. Fuck! Nasa kanila lang pala ang mga magulang nang taong mahal ko! I'm going to kill that fucking Drekys Brothers.

" Leew, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit andami mong mga galos? "

Lumapit si Kley kay Leewier at sinipat niya ito. Biglang kumunot ang noo ko nang makita kong marami ngang pasa si Leewier sa mukha at sa binti niya.

Parang nawalan ng dugo si Leewier nang tanungin siya ni Kley non at sinipat ang braso niya, " Where's your tattoo?! "

Napaluhod si Leewier sa sahig kaya agad akong tumayo. It can't be. Hindi niya maaaring ibigay yon sa Trikg kung sakali. Mawawalan siya ng lakas.

" Kuya, i'm sorry. I gave my strength to them. Kapalit ng pagkaka-alam ko kung nasaan ang mga magulang niya. "

Pagkasabi niya non ay bigla nalang siya nawalan ng malay.

___

Kley

Agad kumulo ang dugo ko nang makita kong nawalan ng malay ang kapatid ko. Fuck those assholes! Pagsisisihan nila kapag may nangyaring masama kay Leew!

" Kley, carry her. Let's bring her to Sarfie. "

Binuhat ko si Leewier nang walang malay at pumikit muna ako bago nagsalita, " Daesha tran zuk. "

Pagkasabi ko nang mga katagang yon ay bumungad sa amin ang malaking bahay ni Sarfie. Pumasok kaming dalawa ni Kuya sa loob non at hinanap namin si Sarfie.

" Sarf! Where are you?! "

" Ate Sarfff! "

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay niya. Inihiga ko muna si Leew sa sofa at patakbo kong inakyat ang kwarto ni ate Sarfie.

Bumulaga sa akin ang malinis niyang kwarto at iba pang mga kagamitan niya bilang isang omega. Si Kuya ay isang Alpha. Kung ituturing sa ibang mga lugar ay isa siyang Hari which is true while Ate Sarfie is the omega, Queen perhaps! Leewier and I are their great apostle's. Alpha is the beginning while Omega is the ending. There is a posibility that my brother and Sarfie will end up with each other.

" Well well, anong ginagawa ng Strorch Brothers sa pamamahay ko? "

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ate Sarfie na prenteng naka-upo sa sofa niya habang humihithit ng sigarilyo. Lumapit ako sa kanya at pinantay ko ang mukha ko sa kanya.

" Sarfie, this is all about Leewier! Save her life! Your strength is the only thing that can heal the wounds of my sister and you can also put back her strength without the Clorste tattoo! "

She immediately look at me. Isang kurap ko palang ay nakita ko na siyang nasa harapan ko. Agad akong napa-atras dahil hindi ko naramdaman ang presensiya niya! Fuck those reflexes of mine!

" Kley my future brother in law. You know that I won't accept any offer just because you say so. Lahat nang ginagawa ko ay may kapalit at alam mo yon dahil isa kang apostle's. " tumango-tango lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ang isusunod niya. " Aside from that, you know from the very start that--- "

" Just go straight to the point! "

Nagtagis ang mga bagang niya kapagkuwan ay bigla niya akong tinulak kaya tumama ang likod ko sa pader. Damn it! " Don't talk to me like that, young man! You have no rights! I can kill Leewier everytime I want to. Do you want me to kill her infront of you?! "

Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko ininda ang sakit ng likod ko at naglakad papunta sa harap niya at lumuhod, " I'm sorry, Omega. Forgive me. "

Hinawakan ko ang bewang ko at hindi ko mapigilang mapangiwi kapag nahahawakan ko ang parteng tumama sa pader! Me and my talkative mouth!

Ngumisi siya sa akin at hinawakan ang baba ko. Nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong, " Just follow my one rule. "

" What is it? "

" Erase the memory of Clarity for a while. Make sure that she will 'hurt' Ethan. I think you know what I mean... "

Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Fuck it! Kapag ginawa ko ang sinabi niya, masasaktan ko si Kuya. But, if I ignore her, Leewier will die? Damn!

" Sarfie, what do you mean by that? Gusto mong lasunin ko ang memorya ni Clarity para masaktan niya ang kuya ko? Kapag nasaktan ang kuya ko sa'yo siya tatakbo dahil ikaw ang kaibigan niya? At kung sino ang kasama ng Alpha bago siya nasaktan ay siyang makakatuluyan niya? Are you that desperate?! "

Tinitigan niya ako nang masama at naramdaman ko nalang ang likod ko sa pader habang sakal-sakal niya ako.

" You don't know me, Kley! You're calling me a desperate?! "

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit ko yong tinatanggal sa leeg ko pero bigo ako dahil sobrang lakas niya. Nakalimutan ko yatang omega ang kinakalaban ko ngayon! Shit!

" A-ackkk... H-hmmpp--- "

Pabagsak niya akong binitawan at nakita ko nalang siya na malayo ang distansiya sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata kaya tinitigan ko rin siya.

" Kley, if you erase her memory she will forget what Ethan told her. She will forget that she loves Ethan. Sasaktan niya si Ethan because 'you' say so. We have different powers in our own world. Me? Kaya kong buhayin ang mga taong patay o kaya kong pagalingin ang taong malapit ng mamatay. You? You can erase the memory of a person by just snaping your finger while your eyes is close. Ethan? He can do all things. But one thing for sure, he can't remember all the things happened in the past or sad memories. Leewier? She can read your mind by just looking directly into your eyes... " she paused in a bit, " Well, the Alpha's Bride? Which is Clarity.." she smirked, " Kaya niyang pabalikin ang memorya ng isang tao kung alam niyang gamitin iyon ng tama. But if she can't, she will lose Ethan in her life. While me? I'm contented and happy because Kier is only mine. "

Kinunutan ko siya ng noo nang tapos na siyang magsalita. Ganoon nga ang mangyayari kapag nilason o tinanggal ko ang memorya ni Clarity. Masasaktan ko si Kuya pero mabubuhay naman si Leewier. Who will I choose?!

" Kley, i'm not forcing you to follow my one rule. "

Humithit ulit siya ng sigarilyo. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa sofa niya at akmang lalabas na siya sa pintuan niya ng huminto siya at magsalita, " For now, I will heal the wounds of Leewier. You must follow my rule, Kley. If you don't, you know what will happen next to Leewier... "

Pinilig ko ang ulo ko sa isa niyang cabinet at narinig ko pa ang papalayo niyang boses mula sa kabila, " By the way, i'll give you one month. Think wisely. One thing, you're running out of time. "

Damn it.

____

Ethan

Tumingin ako sa hagdan nang makita ko si Sarfie na mukha pang nagulat nang makita niyang walang malay si Leewier, " What happened to Leewier? "

Lumuhod siya sa sahig at sinipat niya si Leewier. Hinawakan niya ang kamay nito bago siya tumingin sa mga galos, " What happened? "

" Those Stratk, they attack Leewier. They get the Clorste tattoo of her. Please Sarfie, give her some strength. "

She look at me with amusement in her eyes. She smiled then she look at Leewier who's peacefully sleeping right now. She put her two hands on Leewier's belly. Ipinikit niya ang mga mata niya at bumulong ng mga bagay-bagay.

Hindi ko alam pero nag-iiba ang ugali ko kapag kapatid ko na ang pinag-uusapan. I'm getting worst. I'm being kind because of them and that's fuck!

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong unti-unting nawawala ang mga galos at sugat ni Leewier. Tinitigan ko si Sarfie at nakapikit pa rin siya ngayon habang bumubulong.

Hinawakan ko ang kamay ni Sarfie kaya napalingon siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kaniya at binalik niya na ang paningin kay Leewier. Tumigil sa pagsasalita si Sarfie kaya lumingon ako kay Leewier.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng paningin kaya agad ko siyang niyakap, " K-kuya... "

" Shhh... rest Leewier. "

Tumayo si Sarfie at akmang aalis na siya nang magsalita ako, " Thank you. "

Lumingon naman sa akin si Leewier at biglang umiling, " Nah. Hindi yan libre Mr.Strorch. "

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, " Huh? "

Lumapit ulit siya sa akin at hinalikan niya ang pisngi ko. Lumayo siya ng kaunti at kumindat sa akin, " Date tayo bukas. " napa-iling nalang ako sa sinabi niya at tumango, " Sure. "

____

Sarfie

Lumabas ako ng bahay ko at nagpakawala ako ng malakas na hangin. Whoo! Kaya mo 'to Sarfie. You're doing this because you love Ethan. Nothing less. Nothing more.

Habang hindi pa sila kasal ni Clarity ay kailangan nang magawa ni Kley ang ipinapagawa ko sa kaniya. Kapag hindi niya 'yon nagawa ay ako ang makakalimutan ni Ethan at si Clarity ang magiging omega. Hindi ko hahayaang mangyari yon!

I need to do something. You need to Sarfie. You need...

----

Definitions

Stratk- Ito yung isang samahan na kalaban nila Ethan. Hindi sila magkasundo.

Trikg- Gaya nila Leewier at Kley, ito ang tawag sa apostle's ng mga Stratk.

Drekys Brothers- Katulad ni Kley at Ethan. Sila naman ang Strorch Brothers.

Comments

The readers' comments on the novel: Greek 1: The Alpha's Bride