Login via

Respectfully Yours novel Chapter 44

Anikka

Napadilat ang aking mga mata dahil naramdaman ko na naiihi na ako, unti unti akong bumangon sa higaan ko.

Agad ko rin maramdaman ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita.Damn, he made me sore, kasalanan niya ito Napakasakit pa rin, I can still feel him inside me.

Mukhang mahihirapan yata ako makatayo nito. Tsss. Damn him dahil sa kanya kaya ko nararanasan ito. Pero hindi ko rin naman siya masisisu doon. Ganoon naman kapag sa unang sabak.

Sus! Anikka , ginusto mo rin naman eh.

Tumingin ako kay Lukas, gusto ko sana magpatulong sa kanya kaso, mukhang sarap na sarap sa pagtulog ang mokong. He looked so peaceful, parang hindi niya kayang pumatay ng lamok sa sobrang amo ng itsura niya kapag tulog.Nahihiya naman akong gisingin siya dahil alam ko rin naman napagod rin siya sa nangyari.

Nakailang rounds kaya kami. I cant believe na kinaya ko talaga.

I sigh.. I guess I should do it by myself.

He is such a beast kanina, para siyang walang kapaguran, nasundan pa yung pag-iisa namin kanina.

Pilit akong bumangon, at kukunin sana ang mga damit ko pero laking gulat ko na lang na punit punit ang mga ito, pati underwear ko ay punit din. Tss.. di man lang pinatawad, grabe..

Wala akong choice kundi magtungo doon kahit walang saplot, kami lang naman ang nandito sa kwarto na ito. Para saan pa para magtakip, kita na niya ang lahat sa akin.

Sinubukan kong maglakad, pero,

Aray!

Napasalampak na lang ako sa sahig, ang sakit talaga, parang masugatan ako doon.

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakasalampak, kumapit ako doon sa gilid ng kama. Naging madali ang aking pagbangon nang maramdaman ko ang kanyang mga kamay na tinutulungan akong tumayo. Nag-angat ako ng tingin, isang nag-aalalang mukha ni Lukas ang nakita ko.

"What happened baby." Aniya, habang hinahaplos yung mukha ko, tila tinitignan niya kung ok ako. Punong-puno ng pag-aalala yung ang kayang mga mata.

"I need to pee." Sabi ko na lang, kailangan ko nga talaga ng tulong niya mukhang di ko kakayanin na maglakad patungong banyo.

Binalutan niya ng kumot ang buo kong katawan saka dahan dahan na binuhat, napakapit na lang ako sa leeg niya. Napangiti ako habang mas malapit kong nasisilayan ang kanyang mukha, umangat ang tingin ko sa makurba niyang pilikmata, sa matangos niyang ilong, hanggang sa kanyang mapulang labi.

Hanggang sa naipasok na niya ako sa banyo, dahan dahan niya akong inupo doon sa may bowl. Tila ingat na ingat siya sa akin na para bang isa akong babasaging bagay na dapat alagaan at hindi hayaan na mabasag.

Pagka-ihi ko ay hindi ko maiwasan na mapangiwi, dahil may nararamdaman akong hapdi doon, siguro ay may sugat nga ako doon. Damn him!

Tss.Wala dapat akong sisihin dito, dahil ginusto ko rin naman itong mangyari.

Pagkatapos ay dahan dahan niya muli akong itinayo mula sa pagkakaupo saka binuhat muli.

"Lukas ok na ko." Sabi ko, at nahihiya na rin ako na bitbit niya muli ako.

"No, you're not. I know thatyou are still sore baby, I'm so sorry. I should be gentle to you." He said while cupping my face. Nakita ko na nagpout pa siya, tss. para siyang bata na nanghihingi ng sorry.

"Lukas. Dont be, ginusto ko kung ano man ang nangyari sa atin." Sabi ko, he was gentle enough kanina.I was ok with it when his thrusts became faster.Hindi ko naman siya masisisi doon.

"No, I should be sorry Anikka, Ako ang dahilan kung bakit kumikirot yan, kung di ko lang-----" Napatigil siya ng halikan ko siya sa labi. Akala nila sa babae lang applicable that kiss is a best way to make them silent, pwede rin pala sa lalaki. I just gave him a smack kiss pero mahaba rin iyon saka ako humiwalay sa kanya.

"I am alright ok? Basta nasa tabi kita ok lang ako." Nakangiti ko sabi. Gumanti rin naman siya ng ngiti sa akin. Natutuwa ako dahil close-up ko itong matititigan. Kung lagi ko lang masisilayan yang ngiting iyan baka mas lalo pa ako mainlove sa kanya. Tss.. I am already crazy in love with this man.

Nilapit niya yung mukha niya sa akin, parang hahalikan niya ako. Pero bago pa mangyari iyon ay nilagay ko yung index finger ko sa labi niya. Tss. Maya na, kapag matutulog na kami.

"Tara na tulog na uli tayo."

Hindi na siya tumutol at lumabas na kami ng kwarto.

Dahan dahan niya akong pinatong sa kama. Sa mga kinikilos niya ay ramdam ko na nirerespeto niya ako, kahit na may namagitan sa amin, ramdam na ramdam ko ang alaga niya, at higit sa lahat ang pagmamahal na inalay niya para sa akin.

Humiga sa siya sa tabi ko, idinantay niya ang aking ulo sa kanyang dibdib, rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso. Kaysarap pakinggan sa aking tainga dahil pakiramdam ko sa bawat tibok nun ay pangalan ko ang isinisigaw. Sana nga.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, tila ayaw akong pakawalan at sa kanya lang ako. Ang init ng kanyang mga bisig. Napatingin ako sa maskulado niyang biceps, napakasarap talagang magpayakap sa kanyang bisig, dahil pakiramdam ko ay protektadong-protektado ako doon. I wish na sana ay madamag na lang niya ako yakapin, hinding-hindi ako magsasawa doon, lalo na at ang mainit na yakap na iyon ay galing sa kanya.

"I love you so much baby." Aniya habang hinahaplos ang aking buhok.

"I love you too Lukas, forever and ever." Sabi ko, sounds corny but hindi ko maipagkakaila ang aking sinabi, mahahalin ko siya habangbuhay. He made me believe that true love and forever exist. Siya lang ang nakikita kong lalaki na mamahalin ko habang buhay.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil nakakaramdam na ako ng antok. Isiniksik ko na lang yung ulo ko sa kanyang leeg. Damn he still smell so good, lalaking-lalaki ang amoy at hindi siya masakit sa ilong, napakasarap amuyin, nakakaadik. Dahil na napakabangong amoy na iyon ay para bang unti-unti lumalabas ang init sa aking katawan. Simple akong napailing, hindi pwede masakit pa at hindi ko kakayanin pag nagkataon, kaya ibinalik ko na lang yung ulo ko sa dibdib niya saka muli ipinikit ang aking mga mata

Napasinghap ako ng maramdaman ko na may matigas na bagay na dumikit sa aking likuran.

"I can't get enough of you Anikka." bulong niya at tila nakakakiliti ang hangin na mula sa kanyang bibig, then he touched me there.

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours