Login via

Respectfully Yours novel Chapter 45

Anikka

Papasok na kami ng Law school. Oo kami, kasama ko yung hinayupak na ito sa gilid. First, pinipilit niya na huwag muna akong pumasok baka daw masakit pa. Sabi ko naman ay hindi na, pero siya pa rin yung mapilit. Isang araw naman na ang nakalipas ng mangyari iyon He is very concern with me now, mas naging alagang-alaga siya sa akin. Wala naman akong magagawa dun dahil gusto naman niyang gawin iyon at gusto ko rin naman yung ginagawa niya, infact kinikilig nga ako eh, minsan nagbablush pa ako sa harapan niya. Tss.. sobrang nakakahiya iyon, lalo na kapag nakikita ko pang ngingisi siya pag nakita niya ang pula sa pisngi ko.

Ipinush ko na papasok ako, dahil ilang araw na akong abscent, muntik na nga akong idrop, pero sadyang malakas si Lolo dito kaya ok lang. Pero kahit na malakas si Lolo dito ayoko naman na abusuhin ito, just like nung ginagawa ko noong high school pa ako.

Sadyang nakulitan na sa akin si Lukas, kaya sabi niya sasama na lang siya, total naman daw at wala siyang gagawin at gusto daw niya akong bantayan. May instant bodyguard pa ako, plus na itong ubod na gwapo niyang mukha na hindi ko mapigilan na matitigan.

Nahihiya akong aminin sa kanya iyon dahil sigurado akong magpapalakpakan ang tainga nun.

Habang naglalakad kami sa hallway ay maraming nga babae na nakatitig sa kanya. Sobrang nakakairita ang mga titig nila ang lalagkit! Hindi ba sila marunong mahiya sa akin? Hindi ba nila alam na kasama ko siya, holding hands na nga kami o! Wala bang mga common sense ang mga ito. Tss..

Lukas is for my eyes only!

Yun ang gusto akong isigaw sa mga ito! Sa sobrang pagkakairita ko sa mga hukluban na ito, kaso ayaw ko ng iskandalo at ayaw kong patulan ang mga ito. Kung sabagay hanggang titig lang sila at hindi nila mababago ang katotohanan na sa akin lang itong hinayupak na to.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, ngising-ngisi ang mokong. Tuwang-tuwa pa siya samantala ako inis na inis na dito. Siguradong namamayagpag na naman ang kanyang mahiwagang ego.

Kumalas ako sa kanya at binilisan ang paglakad. Maiwan ka diyan! Bwisit siya!

Mas nag-eenjoy pa siya dun, mukhang nakalimutan niya na may kasama siya.Doon na lang siya at bahala siya sa buhay niya. Bwisit talaga!

Napatili ako nang maramdaman ko na may umakbay sa akin.

Nagtampo naman na itong bebe ko." Ewww saan niya ba nakuha iyon. Hindi ko alam na gumaganyan na siya. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin ininis mo kong hinayupak ka, madusa ka!

Pagpasok sa room ay napansin ko na wala sila Nicole at Yen, mukhang di yata papasok yung mga yun, pero bakit? Ininform naman nila sa akin dati.

.........................

"Section 12 of the Bill of rights is that to be informed of his right to remain silent and to have competent and independent counsel preferably of his own choice. It is under the constitutional rights....."

"What the fuck I cant understand what she's saying. Bulong niya sa akin.

"Tss.. sumama-sama ka pa kasi. Lumayas ka nga! " Sabi ko na lang.

"No, kahit di ko maintindihan ang pinagsasasabi niya I am staying here because you're here di tayo maghihiwalay." Hay nako whatever mas magandang ifocus ko na lang muli ang sarili ko sa paglelecture.

Pero mukhang di na yata ako makakapagconcentrate, nasisimula siyang mandistract and he is such a great destructor.

Malagkit niyang hinihimas niya yung hita ko, Puntangina Lukas! Huwag mong pairalin ang kamanyakan mo.

"Ooohh baby, I want you." He said in a husky voice at doon na ako napasigaw. Hindi ko na mapigilan, nakakainis siya.

"Lukas!" Pero mukhang ayaw mag-paawat patuloy pa rin, hinahawi ko na yung kamay ko sa kamay niya, pero mas dinidiin niya pa ito. Lumilinga-linga ako sa paligid, baka may makakita sa ginagawa niya. Mabuti na rin at nasa likod kaming dalawa, wala masyadong makakakita.

"Lukas!!" Hindi ko namalayan na napalakas na yung boses ko sa kaawat sa kanya, dahil tumataas na yung kamay niya, papunta na doon sa hindi dapat mapunta.

"What's that noise?" Natigilan ko nang humarap si attorney sa amin.

"Ms. Fuentes, kung maglalandian lang kayo ng boyfriend mo dito ay makakalabas ka na, I dont need you in my class."

"But ma'am." Tutol ko, wala naman kasing akong ginagawa na masama a? Umiiral lang ang kamanyakan nito.

"Out!" Maotoridad niyang sabi habang nakaturo sa pintuan. Wala akong choice kundi lumabas. Hinayupak ka talaga Lukas! Aish! Kung hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Attorney huwag siyang mandamay, nag-aaral yung tao eh.

"Yan, marami na tayong oras together." Sabi niya at sa palagay ko ay double meaning iyon dahil ngising aso na naman siya.

"Hay nako ewan ko sayo! Bwisit! Sabi ko na lang at iniwan siya doon. Pero sadyang mabilis siyang maglakad at nandoon sa siya sa harapan ko.

"Oh bakit kunot na kunot ang noo ang baby ko?" Sabi niya habang nakatingin sa akin. Marami pa rin ang mga tumitingin sa kanya pero hindi tulad kanina, ay wala na siyang pakialam sa mga ito.

"Ask yourself. hmp." Sabi ko at iniwan siya doon.

"Ay nagtatampo talaga ang bebe ko." Hindi ko na lang siya pinansin, bahala ka sa buhay mo, naiinis ako sayo"

"Hay nako, kayong mga babae, gusto niyo pang sinusuyo." Sabi niya at umakbay sa akin. Inalis ko yung kamay niya pero inakbay niya uli. Hindi na lang ako kumilos. Kahit anong gawin niya ay naiinis pa rin ako sa kanya. simula kanina hanggang sa discussion.

"Kikiss kita." Di ko pa rin siya kinibo, saan niya ba nakukuha ang ganyan. Para kaming mga teenager nito.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil, hawak niyaang unang butones ng kanyang polo. Nagulat ako nang binuksan niya yung unang tatlong butones ng kanyang polo. Huwag niyang sabihin na maghuhubad siya dito? Gusto niya bang lalong pagpiyestahan dito.

"Lukas!" Pag-awat ko ng buksan niya ang ika-apat butones ng polo niya.

"I wont stop, until pinapatawad mo na ako." Aniya habang binuksan niya ang isang butones.

"Lukas!" Pag-awat ko muli sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya, hanggang sa natangal na niya ang lahat ng butones. Nakikita na ang mapanuksong abs ng hinayupak na ito at kitang kita ko na malagkit na ang tingin sa kanya ng mga tao. Napahilot na lang ako sa sentido ko.

"Ok, peace na tayo ha. Magdamit ka na please." Sabi ko, napayakap na lang ako sa kanya para matakpan ang matipuno niyang katawan. Hindi ko kaya na pinagpipiyestahan ng nga mata si Lukas and most importantly those are also for my eyes only ulit.

"Hindi mo rin pala ako matitiis eh."

"Sige na oo na! Pasalamat ka mahal kita." Sabi ko at hinigpitan ko ang yakap sa kanya, para wala na silang makita. Ayokong makita nila ang mahiwagang abs ni Lukas, ako lang dapat ang makakakita doon, ako lang. Akin lang iyon.

Marami na ang mga nakatingin sa amin pero wala akong pakialam as long as hindi nila nakikita ang dapat makita.

"Anikka." Malambing niyang sabi.

"Hmm?"

"Tsansing na yan." Aniya! Agad akong bumitaw sa kanya at iniwan siya doon. Namuo muli ang pagkainis ko sa kanya

Bwisit ka! Pagpiyestahan ka sana diyan, pagkaguluhan ka sana.

"Uy joke lang eh." Tapos ay hinabol niya ako, bukas yung pulo niya kaya exposed ang kanyang mala-adonis na katawan. Tila ang hot hot niya sa pagtakbo, dahil unti unti na nalilihis yung polo niya, mas nakikita ang dashboard chest at chiseled abs ng hinayupak na iyon. He is like a model, a greek god. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako ngayon.

Gosh! Bakit? He is such a tease dapat naiinis ako diba, pero nagawa ko na naman na pagnasaan ang katawan niya. Gawd!

"Hug nga kita." Aniya at hinila niya ako sa kanyang bisig. Ramdam na ramdam ko yung init na mula sa kanya na sapat na para tunawin ang inis ko sa kanya.

"Peace na tayo ha."

"Oo na mahal ko."

.....................................

"Anikka!!" Medyo nilayo ko yung phone ko sa tainga ko dahil naririndi ako sa alingawngaw ng boses ni Nicole. Why does she need to shout like this, na para bang may nakitang kung ano.

Nang maramdaman ko na tumahimik ang kabilang linya ay muli kong binalik ang phone sa tainga ko.

"Bakit?" Malumanay kong sabi.

"Eris is back."

Comments

The readers' comments on the novel: Respectfully Yours